Bobong Pinoy Hall of Fame

(Ano 'to? Wala lang....mga lumang email na nahalukay sa baul. Eto yung ilan sa mga unang emails na dumapo sa Bobo Land.)

Game!

==>Ang unang posting ni Bob sa mailing list, nung panahong sinaswapang pa nya ang list.

DATE: 6 Sep 1998 15:59:54 -0000
From: Bobong Onliners
To: Bobong Onliners <bobo.com@listbot.com>

Bobong Onliners - https://members.tripod.com/~bobongpinoy

-----------------------------------------------------------------

Baka sabihin nyo naman e dysfunctional yung mailing list natin, kaya eto, nag-post na ako, for the first time!

Marami nang members ang list natin. Iniisip ko nga kung ano ang puwede kong ibigay sa inyong pabuya, para naman makita ninyo na may advantage kayo sa mga bisitang hindi nag sign-up sa list. Gusto nyo ba ng T-shirt? Yung may nakalagay na "AKO'Y BOBONG PINOY AT LAGI AKONG NANONOOD NG CRISTY PER MINUTE!!!"

Kung ayaw nyo, sayang, nakapag pa-imprenta na ako ng marami. Di bale, iisip na lang ulit ako ng puwede nyong ma-appreciate sa susunod.

Yung mga nagsulat sa inyo ng nobela sa guestbook ko (huwag kayo matakot, hindi masama ang sasabihin ko), suggestion ko e i-post nyo na lang sa list para mabasa ng lahat ng members. In the first place yun naman ang gamit ng list na ito e, para makapag-react kayo at makasali sa discussion.

Paano mag-post ng message? Kung first time nyo sumali sa mailing list, basahin nyo lang yung guidelines na kadalasang kasama ng bawat message na natatanggap ninyo galing dito. Yun nga lang English, asar nga e! Tagalog ang list natin dapat Tagalog din ang lahat ng nilalaman nito, kaso wala tayong magagawa, wala pang mga Pinoy na nagbibigay ng libreng serbisyo na tulad ng mailist list e. Kung may kakayahan kayo, subukan nyo naman!

O pa'no, mga tsong at tsang, sisibat na ako.

Oops... hehe, nakalimutan ko yung alam kong hinihintay nyong balita, yung update ng site. Bago mag-akinse ng Setyembre, updated na ang site natin...susubukan ko! ;)

Por Da Min Taym, baka gusto nyo munang iboto yung Bobong Pinoy sa Weird/Humour category ng Webby Awards sa www.webbyawards.com.ph Huwag kayong mag-alala, puwede namang lima ang iboto ninyong sites sa isang category e, isang boto lang naman ang hinihingi ko. At yan e kung gusto nyo lang naman, hindi ko kayo pinipilit. Yun nga lang, tatanggalin ko ang record nyo sa mailing list na 'to at iba-block ko yung server nyo para hindi nyo na ma-access ang Bobong Noypi pag hindi nyo ako ibinoto!

Joke Lang!

Arnold Stallone
(ang webmaster na may multiple personality disorder!)

[pansin niyo…hindi pa siya Bob Ong nito…wala pa kasi yung second issue ng BP. Dun niya naisip yung pangalan na Bob Ong. Pero kapal din ano? Feeling muscleman?]

==>Back to the past….este future…este past….basta tignan nyo ang date! Galeng ng post ni Bob o! Eto na rin ata ang unang nagreklamo ke Bob tungkol sa site nya.

DATE: Wed, 19 Aug 1998 19:00:41
From: BP <xxxxxxx@xxxxx.xxx>
To: Bobong Onliners <bobo.com@listbot.com>

Bobong Onliners - https://members.tripod.com/~bobongpinoy

>Date: Sun, 18 Oct 1998 05:33:08 +0800
>From: Elgar Esteban
>To: Bobong Pinoy Webmaster
>Subject: Disabled Person Icon in Bobong Pinoy
>
>Dear webmaster,
>
>I just found it offensive to label the disabled person's icon as Addict. I know that you are a Christian. Please change the icon. Disabled >people will be turned off by that icon. It is not funny.
>
>Regards,
>
>Elgar

Elgar,

Thanks for writing. The "joke" there was simply to imply that the "addicts" to Bobong Pinoy are already disabled in a way (mentally). I didn't intend to label disabled people as addicts.

However, since there might still be some other people out there who would perceive that icon in the same way that you did, I have decided to change it... for the good of humanity (and justice for all!). It was a tricky matter that has to be pointed out to me. I'm not sure if I can fix it right away, but I WILL do something about it. Thanks for your concern.

-my kabobohan strikes again!
B.O.(Bob Ong)

[Gets nyo kung bakit mali? Tingnan ng mabuti ang mga petsa nga email…]
[Pansin nyo rin…seryoso ng sagot ni Bob ano? Marunong pala siya mag-inggles!]

==>The first Christmas message...Bob Ong style

DATE: 22 Dec 1998 11:39:59 -000
From: Bobong Onliners
To: Bobong Onliners <bobo.com@listbot.com>

Bobong Onliners - https://members.tripod.com/~bobongpinoy

It's Christmas-time
There's no need to be afraid
At Christmas-time,
we let in love and we banish hate
And in our world of plenty
we can spread a smile of joy
Throw your arms around the world
at Christmas-time

But say a prayer,
prayer for the other ones
At Christmas-time it's hard,
but when you're having fun
THERE'S A WORLD OUTSIDE YOUR WINDOW
And it's a world of dread and fear
Where the only water flowing
is the bitter sting of tears
And the Christmas bells that ring there
Are the clanging chimes of doom
WELL TONIGHT THANK GOD IT'S THEM INSTEAD OF YOU

And there won't be snow in Africa
this Christmas-time
The greatest gift they'll get this year is life
Where nothing ever grows
No rain or rivers flow
Do they know it's Christmas-time at all?

Here's to you... a glass for everyone
Here's to them... underneath that burning sun
Do they know it's Christmas-time at all?

Feed the world
Feed the world
Feed the world
Let them know it's Christmas-time

- "Do They Know It's Christmas Time?"

Ayos ang greetings ko no... nangongonsyensa! (yunik)

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!

(Ang magpaputok may putok!)

(Bakasyon na, yung sa office lang nakaka-access ng Internet, baka sa January nyo na to matanggap... Happy Three Kings!... at a, Happy Valentines Day na rin!)

==> at alam nyo ba na nagpost din si Bob ng article tungkol sa dengue? Labs na labs daw nya tayo eh...ayaw nya tayo magkasakit.

DATE: 15 Sep 1998 01:49:02 -000
From: Bobong Onliners
To: Bobong Onliners <bobo.com@listbot.com>

Bobong Onliners - https://members.tripod.com/~bobongpinoy

<snip> <snip>

O hayan, pinag-ingat ko kayo ha!  (pati yung mga nasa tate!  basta nakakaintindi daw ng tagalog, vulnerable sa Dengue!)

Hehe, ngayong umaga lang, may na-receive na kong reklamo dahil lagpas na daw isang buwan hindi pa ako nag-a-update ng site.  Kala ko hindi kayo nakakahalata!

Sorry, ito kasing ulan e, naka-cut tuloy yung telephone line ko.  Hindi ako makapag-upload.  Yan ngayon ang pinagkakaabalahan ko.  Within 48 hours, may bago nang kabobohan.  Huwag na kayo mainip.  Manood muna kayo ng tv.

OOooopss!!!  HUWAG CHANNEL 2!  =)

[Teka, pansin nyo? Matagal nang nasa payroll ng GMA 7 si Bob....hehehehe....saka ang sakit nya sa pag-update...matagal na rin!]

[At ang isang bagay na tanging si Bob Ong lang ang makakagawa......palitan ang date ng Independence Day!]

> Date: 16 Jun 1999 11:08:16 -0000
> From: "Bobong Onliners"
> To: "Bobong Onliners" <bobo.com@listbot.com>
> Subject: Gising na!
>
> Bobong Onliners - https://members.tripod.com/~bobongpinoy
>
> Na-move nga yung Independence Day ngayong taon, June 19 na.  Siguradong-sigurado.  Tuloy na tuloy ang pagbabalik ng
> mas pinatalinong  Bobong Pinoy!
>
> Kaya't maligo na!!!
>

[Sus! Sigurado daw.....walang update na nangyari.....bakit kanyo? Eto....]

 Date: 26 Jun 1999 09:15:53 -0000
 From: "Bobong Onliners"
 To: "Bobong Onliners" <bobo.com@listbot.com>
 Subject: I'M ALLLLLLLLLLLLIVE!!!

 Bobong Onliners - https://members.tripod.com/~bobongpinoy

Ngayon lang kami ulit nagkaroon ng telepono magmula noong  ika-19 ng Hunyo, salamat sa magandang serbisyo ng PLDT!, naisipan yata
nilang ayusin (daw)  ang ilang linya ng telepono (na nananahimik) at i-convert ang mga ito from  analog to digital (huh?).  Tuwing tatawag ka sa kanila  for repair e  iba-iba ang sagot (nambobola?) at paurong ng paurong ang  araw kung kelan  matatapos ang operasyon nila (ang walang kamatayang  "bukas" na hindi  dumadating!).  Sa isang pagkakataon e PLDT pa ang nagalit  at sumigaw ng  "wag kayong makulit, diba sinabi nang sa huwebes pa  magagawa ang mga  linya?" (pasalamat yung mamang yon at hindi ako ang  nakausap nya!)

[excuses....excuses...]

Dumating ang huwebes, pati na ang Biyernes, pero walang  nangyari sa  ipinagsigawan nyang due date! Sa madaling salita, ang  incompetent, bulok,  bastos, unprofessional, makupad, bobo, mapanlinlang, at  disorganized na  PLDT ay sadyang incompetent, bulok, bastos,  unprofessional, makupad, bobo,  mapanlinlang, at totoong disorganized (o, wag mapipikon  kung hindi  totoo!). Kaya tulad ng mga kasalan sa pelikula, e  na-sabotage na naman  tayo (nangyari na to noong 3rd issue) at  naudlot-ng-naudlot ang premiere  night ng Bobong Pinoy.  Nasayang ang isang linggo kong  walang tulog  kakagawa ng site para lang matupad ang naipangako kong  opening day.  Sana
naintindihan nyo ko (walang burger machine, PLDT naman  ang may kasalanan  e!).

[sige na nga....kunwari naniniwala kme....napuyat ka naman eh]

Pero the show must go on.  Katulad ng inaasahan, ang  kabutihan e laging  nagwawagi sa kasamaan.  Updated na sa wakas ang Bobong Pinoy.  Madalas man  tayo maharangan, kailan ma'y hindi tayo mapipigilan!  (Kantahin: Di na ko  papayag mawala kang muli... di na ko  papayag na muling  mabawi....).

Maglipat na kayo ng mailing list, doon na tayo sa
http://www.onelist.com/subscribe/bobongpinoy (discussion  list) at http://www.onelist.com/subscribe/BP_Update (announcement  list LANG!).  Pag  umabot tayo ng 50 doon, isasara na natin ang bobo.com  (naiiyak ako!).

Independence Day, Birthday ni Rizal, at... FIRST BIRTHDAY  NG BOBONG  PINOY!!! Invited kayo at gusto ko makita ang mga mukha,
 este, pangalan  ninyo sa bago nating gesbook... may premyo ang mauuna.

 Tatlo na:
 Bobong Pinoy Classic
 Bobong Pinoy Fortified
 Ultraelectromagnetic Bobong Pinoy

 Broken links, images, at kung ano-ano pang error, paki  report naman.  Salamat sa lahat ng tumulong mag-entertain sa mga naiinip
 na miyembro ng  list na to, lalong lalo na kay praningning (pinaikot mo  ang mga tao sa  mahiwagang theory mo sa tuldok na yon, alam mo naman  dito, kahit sabihin  mong buhay si elvis presley paniniwalaan ka. hehehehe!  (pero hindi mo pa  rin sinasabi kung kakilala nga kita.  sayang yung  premyo!)

 SALAMAAAAAAAAAAAAAAAAT! Narito na ang link na inyong  gantimpala bilang mga  loyalista:

 Ang Bagong Bobong Pinoy
 http://lavender.fortunecity.com/uplands/147/

[yung Top Ten ni Bob yan.....buhay pa ba?]

 (Eric, GMA o ABS-CBN ang numero uno?  Once and for all,  dito mo malalaman.)
 (Wildchild, na-pirate na ko ng channel 2!)

 Gumagalang,
 Hon. Bob Ong  <---honorable? si Bob honorable? Uhmmmmm......

 PS: semi-formal ang attire pag pumunta kayo sa site! (at set kayo ng time  para sa reception, mag mIRC tayong lahat sa firstweek ng
 July!)

Next

Uwi!