On Memory Lane
(Teka, ano 'to? Album ni Jolina?)

Op korsh not, kokonat. Hindi 'to listahan ng mga kanta ng peborit songer ni Bob. Eto ay ang isang pagbabalik tanaw sa mga pangyayaring naganap sa mailing list ng Bobong Pinoy na nakakaaliw, nakakainis, nakakatawa at nakakabobo. In shyort, tignan natin yung mga nangyari dati sa mailing list.

Kwento lang muna...ang BP list ay ginawa ni BO noong 1998, bandang September(ata!). Pero swapang pa sha noon. Sha lang nakakapost, sha lang dumadaldal. Moderated kasi. Puro updates baga, saka yung mga email niya na...nakakabobo. Ewan ko kung ano pumasok sa utak ni Bob at tinaggal nya ang pagiging moderated ng list. Siguro hindi niya inakala na andami palang madaldal sa listahan. At dun na nga nagsimula ang pagbaha ng mga email sa inbox ng mga tao.

Para sa mga pioneers, naalala nyo pa kaya 'tong mga email na 'to? Sa mga bagong convert, sigurado ba kayo sa pinasukan nyo?

Mga e-mail na kahindik-hindik, kagila-gilalas, dito lamang sa....BOBONG PINOY!!!

E-mail na alang wenta...

Fresh from the chatroom...
 
 

Disclaimer:
Ang mga nilalaman ng mga susunod na pahina ay halaw sa mga e-mail na pinadala sa BP mailing list at sa pagchachat ng mga adik sa IRC. Anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao o pangyayari ay sadyang sinasadya. Wala sanang mapipikon sa mga nakasulat. Katuwaan lamang at katatawanan.

Word of thanks:
Maraming salamat nga pala kina Rey Refran at Gorgeous Airbabe sa pagpapahiram ng mga email passwords nila para sa archives. At sa lahat ng mga miyembro ng BP mailing list sa kanilang kabobohan, kasiyahan at katalinuhan na rin. Sana magpatuloy ang lahi nyo! At sa huli, nagpapasalamat ako tu di wan en onli Bob Ong for his gracious humor. Pati na rin sa nanay at tatay ko para sa kuryenteng nakonsumo ko sa kakagamit ng kompyuter.

HAPPY ANNIVERSARY BOB!!!

Copyright@2000
http://www.bobongpinoy.com
by: CUCCI